March 28, 2025

8 na mga Sanhi ng paglalaway ng Pusa

Hindi normal na naglalaway ang pusa kung ito ay madalas, labis, o sinasamahan ng iba pang kakaibang sintomas tulad ng kawalan ng gana sa pagkain, pagsusuka, o pagbabago sa ugali. Ang paglalaway ay maaaring dulot ng pansamantalang reaksyon, tulad ng stress o pagkakahilo sa biyahe, ngunit maaari rin itong senyales ng mas seryosong kondisyon tulad ng sakit sa ngipin, impeksyon, o pagkalason.

Aso / Pusa

10 dahilan bakit nagsusuka ang Pusa o Aso

Ang pagsusuka ng pusa o aso ay hindi dapat balewalain dahil maaari itong maging senyales ng mas seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Kapag ang pagsusuka ay madalas, nagiging sanhi ito ng pagkawala ng likido sa katawan na maaaring magresulta sa dehydration, isang potensyal na mapanganib na estado lalo na sa mga maliliit o matatanda nang alaga.

Gamot sa Pusang may Gingivitis

Ang gingivitis sa pusa ay isang kondisyon na kung saan ang gums ng pusa ay namamaga o naiinflame. Karaniwang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng plak sa ngipin, isang malambot at makakapal na layer ng bakterya at debris na nabubuo sa ibabaw ng ngipin. Ang plak na ito ay maaaring magdulot ng pamumula at pamamaga ng gums, na kilala bilang gingivitis.

Gamot sa Bukol ng Pusa

Ang bukol ay isang namumukol o bukol na maaring madama o makita sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng pusa. Maaring ito ay mula sa impeksyon, tumor, cyst, o iba pang mga kondisyon. Ang bukol ay maaaring maging mabilog o irregular na hugis, malambot o matigas, at maaaring lumaki o magbago sa laki. Mahalaga na agad itong ipatingin sa isang beterinaryo para sa masusing pagsusuri at tamang diagnosis.

4 Tips para sa Pusa na ayaw kumain

May mga pusa talagang mapili sa pagkain, pero kung ayaw o hindi na talaga kumakain, may posibilidad na merong mas seryosong isyu ang ating alaga. Kapag napansin niyo na mabilis ang pagbagsak ng katawan ng pusa niyo dahil sa hindi pagkain, nauubos ang reserbang protina nila sa katawan, kaya’t hindi na nakakaproseso ng maayos ang atay na posibleng maging sanhi ng sakit sa atay. Importanteng maagapan ang ganitong kondisyon para maisalba ang mga mahal nating alaga.