October 27, 2024
Aso

Bakit matamlay ang aso at ayaw kumain

Maraming kabutihan ang naidudulot ng alagang aso sa tao lalo na kung nasa mabuting kalusugan ang ating mga alaga. Ang masiglang na aso ay pwedeng magbigay sa atin ng positive na enerhiya at kasiyahan. Ang paglalaro at pag-ehersisyo kasama ang aso ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng pisikal na aktibidad kundi nagbibigay din sa atin ng emosyonal na kasiyahan at kaligayahan.

Kaya naman kapag matamlay ang ating mga alaga ay labis na nakakabahala dahil hindi ito normal sa mga aso.

Ang mga aso na matamlay at ayaw kumain ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang mga dahilan. Tignan ng maigi ang mga sintomas na meron sila, para sa healthy na pamumuhay ng ating mga alaga.

Ang Ilan sa mga posibleng sanhi ng matamlay na aso ay posibleng dahil sa mga sakit, stress, related sa pagkain o di naman kaya ay kung merong itong problema sa ngipin o bibig at sakit.

1.Pagkakasakit

Ang mga aso na matamlay at ayaw kumain ay maaaring may underlying na medikal na kondisyon na nagdudulot ng mga sintomas na ito. Ito ay maaaring maging sanhi ng impeksyon, parasites, problema sa tiyan, pagkabahala, o iba pang mga sakit. Kung ang inyong aso ay patuloy na hindi kumakain o matamlay, mahalagang dalhin siya sa isang beterinaryo upang magkaroon ng pagsusuri at malaman ang sanhi ng problema.

Ang sakit sa aso ay madaling makita kung may ibang mga sintomas kagaya ng pangangayayat, nabahing, naubo o may mahihinang ungol na parang may discomfort siya.

2. Stress o pagbabago sa kapaligiran

Ang mga aso ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa kanyang kapaligiran o mga sitwasyon na maaaring magdulot ng stress. Halimbawa, kapag lumipat sa isang bagong tahanan ang isang pamilya kasama ang kanilang mga alagang aso at mabago ang itsura at amoy na kaniyang nakikita pwedeng hindi maging kampante ang alaga.

Pwede ding na ang pagkawala ng isang kasamahan sa bahay na lagi niyang kalaro ang maging sanhi ng kalungkutan ng aso. May mga cases na kapag namamatay ang amo ng isang aso ay nanaghoy pa ang mga tahol ng naiwang aso.

Ang pagbabago sa kanilang regular na takbo ng buhay ay maaaring makaapekto din sa kanyang gana sa pagkain.

Sa ganitong mga kondisyon subukan ang pagbibigay ng kahali-halina at positibong karanasan sa kanyang paligid, pati na rin ang pagsasaayos ng kanyang routine. Pwede mo siyang ipasyal muna araw araw para makabisado niya ang lugar at mga amoy ng nasa kaniyang bakuran hanggang sa maka pag adjust ang aso.

3. Maling pagkain o mga pampagana sa pagkain niya

Ang mga aso ay may mga pampagana ng katawan at appetite na maaaring hindi kanais-nais sa kanilang panlasa. Subukan ang iba’t ibang uri ng pagkain upang malaman kung alin ang kanilang nagugustuhan. Gayundin, tandaan na ang mga aso ay hindi dapat nagugutom nang matagal na panahon. Subukang sundin ang tamang pagkain para sa kanyang laki, edad, at pangangailangan sa kalusugan.

4. Problema sa ngipin o bibig

Sakit sa ngipin o bibig ay maaaring maging sanhi ng pagkabawas ng gana sa pagkain ng isang aso. Basag na ngipin, pamamaga sa gums, o iba pang mga problema sa bibig ay maaaring magdulot ng sakit kapag kumakain. Ang isang beterinaryo ay maaaring suriin ang kanyang bibig at magrekomenda ng tamang pag-aalaga o paggamot.

Mahalagang tandaan na ang mga nabanggit na mga posibleng dahilan ay pangkalahatan lamang at hindi eksaktong sagot sa iyong tanong. Ang pinakamahusay na paraan upang malaman ang eksaktong sanhi ng pagka-matamlay at ayaw kumain ng iyong aso ay sa pamamagitan ng pagdadala sa kanya sa isang beterinaryo. Ang isang propesyonal na mag-aaral sa kanyang kalusugan at magbibigay ng mga rekomendasyon o gamot upang malunasan ang kanyang kondisyon.

Ano ang Dapat gawin kapag matamlay at ayaw kumain ng Alagang Aso?

Pwede mong subukang gawin ang mga bagay na ito kung ayaw kumain ng aso kahit oras na ng kanyang kainan.

1. Gawing komportable ang kalagayan ng Aso

Tiyakin na ang iyong aso ay nakakakuha ng sapat na pahinga at hindi napapalibutan ng stress. Ang sobrang stress ay maaaring makaapekto sa kanilang gana sa pagkain at kalusugan sa pangkalahatan.

2. Kung ang normal na pagkain na binibigay sa kanya, subukan ang ibang dog food.

Subukan ang iba’t ibang uri ng pagkain para sa iyong aso upang makita kung alin ang mas gusto nila. Maaaring magkaroon sila ng kagustuhan sa isang partikular na uri ng pagkain o brand.

3. I-motivate kumain sa pamamagitan ng masasarap na pagkain

Maaaring makatulong ang pagsasama ng mga pampalasa o pampagana sa pagkain, tulad ng mga pinalamig na gulay o bone broth, upang mahikayat ang iyong aso na kumain.

4. Kung ayaw padin niyang kumain makakabuting komunsulta na sa beterinaryo.

Kung ang iyong aso ay matamlay at hindi kumakain nang matagal na panahon, mahalaga na kumonsulta ka sa isang beterinaryo. Ang mga sintomas na ito ay maaaring maging sanhi ng ilang mga medikal na kondisyon, tulad ng impeksyon o problema sa tiyan. Ang isang beterinaryo ay maaaring magkaroon ng tamang pagdiagnose at magbigay ng tamang paggamot.

Iba pang mga Babasahin

Mabisang Gamot sa Matamlay na Tuta – Ano ang mga dahilan?

Bakit matamlay ang pusa at ayaw kumain

Matamlay at naglalaway na aso

Home remedy sa Asong matamlay

Sources:

PetMD, WebMD, WagWalking, Petsmedguide.com

2 thoughts on “Bakit matamlay ang aso at ayaw kumain

    1. Hi Novelyn,
      Madaming dahilan kung bakit may dugo sa ari ng aso kabilang ang impeksyon sa pantog, impeksyon sa uti, bato sa pantog, o iba pang mga sakit sa pantog at kidney.

      Beterinaryo ang makakapagsabi kung ano ang tamang gamot depende sa kundisyon o sakit ng aso. Narito ang ilang mga pwedeng gamitin ng beterinaryo sa mga ganitong sakit.

      Antibiotic Therapy: Kung ang sanhi ng dugo sa ihi ay bunga ng impeksyon, maaaring ipreskriba ng beterinaryo ang mga antibiotic upang labanan ang mga mikrobyo na sanhi ng impeksyon.

      Anti-inflammatory Medications: Kung mayroong pamamaga sa pantog o sa mga kidney, maaaring ipinapayo ng beterinaryo ang mga anti-inflammatory na gamot upang maibsan ang pamamaga at discomfort.

      Pain Medications: Kung ang aso ay nagdaramdam ng sakit dahil sa kondisyon ng pantog o kidney, maaaring ipreskriba ng beterinaryo ang mga pain relievers upang ginhawaan ang aso.

      Dietary Management: Sa ilang mga kaso, espesyal na diyeta ay maaaring ipinapayo upang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *