Pag-uusapan natin kung tuwing kailan nga ba natin dapat ipa-vaccine o anti-rabies vaccine ang mga alaga nating aso at kung ano ang dapat nating gawin bago ipa-vaccine at pagkatapos. Ang pagbabakuna laban sa rabies para sa mga alagang aso ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan ng komunidad. Ang unang dosis ng anti-rabies vaccine ay ibinibigay sa mga tuta kapag sila ay nasa edad na tatlong buwan o 12 linggo.
Kailan nag-uumpisa ang bakuna ng anti rabies sa aso
Kung tuta pa lamang ang inyong mga aso o kakapanganak pa lamang, advisable na ipa anti-rabies vaccine ang mga tuta kapag sila ay three months old na. Ito yung advice or suggestion ng mga vet sa mga alaga nating aso na gusto nating ipa anti-rabies vaccine. Sa edad na ito, ang kanilang immune system ay sapat na upang tumugon nang maayos sa bakuna.
So ano nga ba ang dapat nating gawin kapag sila ay ipapavaccine natin?
Unang-una, kailangan natin ng vet record nila. Ito yung galing sa vet, nilalagyan ng record kung kailan binigyan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang aso.
Tuwing kailan nga ba pinapavaccine yung mga alaga nating aso o pinapa anti-rabies vaccine?
Ito ay every year or yearly. Unang-una, kapag three months na yung mga alaga niyong aso, yung alaga niyong puppy, hintayin niyo muna mag three months. And after three months, dun na kayo babalik sa vet ulet.
Pagkatapos ng unang dosis, isang booster shot ang kinakailangan isang taon makalipas ang unang bakuna upang matiyak na ang proteksyon laban sa rabies ay patuloy na epektibo. Kasunod nito, ang mga succeeding boosters ay karaniwang ibinibigay tuwing tatlong taon, bagaman maaari itong magbago depende sa uri ng bakunang ginamit at mga regulasyon mula sa lokal na awtoridad o rekomendasyon ng iyong beterinaryo.
Magkano ang anti rabies vaccine para sa aso?
Ang price nga pala, kung magkano yung pa anti-rabies, siguro nasa three fifty or four hundred pesos. Nagbabago ang presyo kaya pwede itanong sa beterinaryo para mapaghandaan ito. Pwede ding naman kung may libre na bakuna sa lugar nyo, kasi nung pinavaccine ko pets ko, pina anti-rabies vaccine ko sila, libre lang yun dito sa aming subdivision.
So ano nga ba yung dapat nating gawin bago natin sila ipa anti-rabies vaccine?
Number one, syempre kailangan mo silang paliguan kasi once na ma-injectionan na sila, bawal na bawal or hindi pwedeng paliguan kaagad ng mga alaga niyong aso. Ang suggestion ng doktor ay mga after one week or seven days para safe na.
Tinanong ko yung vet kung bakit nga ba hindi pwedeng paliguan kasi minsan talaga nagkakaroon ng epekto sa mga alagang aso. Much better kung bago niyo pa injectionan, paliguan niyo na kasi matagal tagal nga talaga, isang linggo bago niyo sila pwedeng paliguan.
Ano yung anti-rabies vaccine na binigay sa pets nung unang una base sa experience ko?
Ito yun, yung Rabisin. Ever since, Rabisin talaga yung binibigay sa kanila.
After pa-vaccine, hindi niyo pwedeng paliguan yung mga alaga niyo ng one to five days, so mas maganda kung seven days na. Wala naman silang maexperience after ng vaccination, hindi naman sila tatamlay base lamang to sa kanila. Hindi naman sila nawalan ng ganang kumain.
Usually, kapag ini-injectionan yung mga alaga nating aso ng anti-rabies, dito binibigay sa may batok. Pero yung iba, nakikita ko dito sa may banda sa pwet eh. Pero sa kanila, kasi dito banda sa may batok ininject nung nakaraan.
Iba pang mga babasahin
Paano malalaman kung may sakit ang pusa: 10 Signs
4 Tips para sa Pusa na ayaw kumain