January 6, 2025
Aso / Pusa

10 dahilan bakit nagsusuka ang Pusa o Aso

Ang pagsusuka ng pusa o aso ay hindi dapat balewalain dahil maaari itong maging senyales ng mas seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Kapag ang pagsusuka ay madalas, nagiging sanhi ito ng pagkawala ng likido sa katawan na maaaring magresulta sa dehydration, isang potensyal na mapanganib na estado lalo na sa mga maliliit o matatanda nang alaga.

Bukod dito, ang pagsusuka ay maaaring dulot ng iba’t ibang dahilan tulad ng impeksyon, pagkalason, pagkakaroon ng mga bulate, o sakit sa atay o bato. Kung hindi maaagapan, maaaring lumala ang kondisyon at magdulot ng karagdagang komplikasyon tulad ng electrolyte imbalance, malnutrisyon, o organ failure. Ang mabilis na pagkilos, gaya ng pagpapakonsulta sa beterinaryo, ay mahalaga upang matukoy ang sanhi ng pagsusuka at mabigyan ng tamang paggamot ang iyong alagang hayop, na magpapalakas ng kanilang tsansa na gumaling at maiwasan ang mas malubhang problema.

Number one na rason ay overeating or eating very fast.
Kagaya nga ng tao, kapag tayo ay kumain ng sobra-sobra o kaya naman mabilis tayong masyadong kumain, puwedeng magresulta ito sa pagsusuka. Napakadali ng solusyon nito: kailangan lang, siyempre, bagalan natin ang pagkain at huwag silang pakainin ng sobra-sobra para hindi sila magsuka.

Pangalawa ay consuming garbage or eating foreign objects.
Hindi natin ito maiiwasan, lalong-lalo na sa mga tuta, dahil sila ay mahilig mag-atngat ng kung ano-ano. Kapag ito ay na-stuck sa kanilang tiyan o nagkaroon ng iritasyon dito, puwede nilang piliting magsuka. Ang malala pa, puwede itong magresulta sa mas delikadong kondisyon.

Pangatlo ay viral or bacterial infection.
Ang pinakamagandang halimbawa nito, na siyang common, ay ang parvovirus, coronavirus, at salmonellosis. Sa ganitong kondisyon, ang pagsusuka ay isa lamang sa mga senyales na mayroon silang impeksyon.

Pang-apat ay parasitism or pagkakaroon ng mga bulate.
Napakaraming iba’t ibang klase ng bulate ang natatagpuan sa kanilang gastrointestinal tract. Kaya naman, ang ating beterinaryo ay nirerekomendang purgahin sila ng kahit isang beses bawat tatlong buwan. Napakaimportanteng sundin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng mga bulate.

Pang-limang rason ng pagsusuka ay motion sickness or pagkahilo.
Usually, ito ay associated sa pagtatravel o kaya naman kapag ang alaga natin ay nagtatake ng gamot o katatapos ng kanilang operasyon. Ang mga anesthetics ay usually nagreresulta sa pagkahilo.

Pang-anim na rason ay ang kidney failure.
Isa sa mga senyales o sintomas na makikita natin kapag mayroon silang kidney failure ay ang pagsusuka. Ang kidney failure ay isang delikadong kondisyon sa ating mga alagang aso at pusa, at nangangailangan ito ng agarang medical veterinary attention.

Pang-pitong rason kung bakit nagsusuka ang ating alagang aso o pusa ay ang liver disease.
Maraming mga sakit ang associated dito, kagaya ng infectious canine hepatitis, leptospirosis, at hepatic lipidosis sa ating alagang pusa. Kaya nga naman, kapag sila ay palagi nang nagsusuka, mainam na matingnan sila kaagad.

Number eight ay ang poisoning o pagkalason.
Alam naman natin na maraming mga bawal na pagkain ang hindi dapat ibigay sa ating alagang aso at pusa. Kasama na rito ang mga nakikita natin sa kusina o pagkain ng tao. Maaari ring magdulot ng pagkalason ang mahilig nilang paglagay ng kung ano-ano sa kanilang bunganga. Pwede rin itong magresulta mula sa overdose ng mga gamot na ibinibigay.

Number ten condition ay ang megaesophagus.
Ito ay isang kondisyon kung saan ang lalamunan ay lumalaki at hindi nito nagagampanan nang mabuti ang trabaho nito, na magdala ng pagkain mula sa bunganga patungo sa tiyan. Ang nangyayari dito ay isinusuka lang ng aso ang kanyang kinakain. Usually, associated ito sa myasthenia gravis, isang autoimmune disease.

Pagpapaliwanag ng Beterinaryo sa pagsusuka ng Aso o Pusa at kung ano ang dapat gawin

10 Listahan ng Veterinary Pet Clinic sa Calamba City

Abys Agrivet & Animal Clinic

Halang, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa Halang, Calamba City, nag-aalok sila ng poultry supply, fighting cock feeds, swine vaccines, incubation, pet grooming, veterinary medicines, at dog/cat foods & accessories. 

YCC Veterinary Clinic & Pet Supply

National Highway, Parian, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa National Highway, Parian, Calamba City, nag-aalok sila ng mga serbisyong beterinaryo at pet supplies. Maari silang tawagan sa 0919-362-4022. 

B7K Pet Supplies

Chipeco Avenue Extension, Barangay Real, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa Chipeco Avenue Extension, Barangay Real, Calamba City (katabi ng MJK Lomi), nagbebenta sila ng dog food, cat food, at iba pang pet supplies. Bukas mula 6:00 AM hanggang 8:00 PM. 

Aeldan’s Place Veterinary Clinic and Grooming Center

Superior Building, Halang, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa Superior Building, Halang, Calamba City, nag-aalok sila ng serbisyong beterinaryo at grooming para sa mga alagang hayop. 

South Paw Animal Clinic

Stall 62 & 81 Santana Rowe Commercial Complex, J Yulo Sr., Canlubang, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa Stall 62 & 81 Santana Rowe Commercial Complex, J Yulo Sr., Canlubang, Calamba City, nag-aalok sila ng iba’t ibang veterinary services. 

Adam’s Pet Shop

J&A National Highway, Parian, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa J&A National Highway, Parian, Calamba City, nagbebenta sila ng iba’t ibang produkto para sa mga alagang hayop. 

Marilag Petshop

31 National Highway, Purok 2, Real, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa 31 National Highway, Purok 2, Real, Calamba City, nagbebenta sila ng iba’t ibang produkto para sa mga alagang hayop. 

THL Veterinary Clinic 24/7 Pet Emergency Calamba

RDC Commercial Building, Pan-Philippine Highway, Barangay Milagrosa, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa RDC Commercial Building, Pan-Philippine Highway, Barangay Milagrosa, Calamba City, nag-aalok sila ng 24/7 veterinary services para sa mga alagang hayop. 

Everything About Pets Petshop and Veterinary Clinic

Branch 1 Unit E CDC One Building, Chipeco Avenue, Halang, Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa Branch 1 Unit E CDC One Building, Chipeco Avenue, Halang, Calamba City, nag-aalok sila ng kumpletong serbisyo para sa mga alagang hayop, mula sa pet supplies hanggang veterinary services. 

SCC Pet Shop

Calamba City, Philippines

Matatagpuan sa Calamba City, nagbebenta sila ng iba’t ibang produkto para sa mga alagang hayop. 

Iba pang mga babasahin

Nagtatae na Aso ng basa – Alternatibong gamot lalo na sa pagdumi ng tuta

Gamot sa Asong nakakain ng Lason sa Daga: First aid ng Beterinaryo

Gamot sa Aso na may Lagnat

Gamot sa Pusang may Lagnat

One thought on “10 dahilan bakit nagsusuka ang Pusa o Aso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *