4 Tips para sa Pusa na ayaw kumain
May mga pusa talagang mapili sa pagkain, pero kung ayaw o hindi na talaga kumakain, may posibilidad na merong mas seryosong isyu ang ating alaga. Kapag napansin niyo na mabilis ang pagbagsak ng katawan ng pusa niyo dahil sa hindi pagkain, nauubos ang reserbang protina nila sa katawan, kaya’t hindi na nakakaproseso ng maayos ang atay na posibleng maging sanhi ng sakit sa atay. Importanteng maagapan ang ganitong kondisyon para maisalba ang mga mahal nating alaga.