May 26, 2024

Ilang days bago malaman kung me Rabies ang Tao na nakagat ng Pusa

Likas sa mga pinoy ang mag-alaga ng mga hayop sa ating bahay dahil nga pet lovers tayo. Karamihan sa atin ay may alagang aso o di naman kaya ay pusa.

Pero dahil minsan sa labis nating pagkabusy sa trabaho, napapabayaan natin na gumagala sa labas ang pusa o di naman kaya ay nakakalimutan na regular na pabakunahan sila ng anti-rabies. Kaya kapag nakagat na tayo ay saka tayo mangangamba ang magtatanong kung kailangan din ba natin ng anti-rabies kapag nakagat na tayo ng pusa.

So meron nga bang bilang ng araw para malaman kung may rabies ang Tao nakagat ng pusa?

Ang tamang sagot dito ay walang specific days kung kailan ito malalaman. Bakit natin nasabi ito.

Ang paglabas ng sintomas ng kagat ng pusa o rabies sa pusa sa Tao ay nakadepende kung gaano katagal ang incubation period/days ng paglabas ng sintomas ng rabies virus sa katawan ng tao o ng pusa. Ang incubation period na ito ay nakadepende kung saan tayo nakagat.

Kung nakagat ang tao sa paa, sa kamay, sa tenga o sa ulo dito nakadepende ang incubation period ng virus. Kapag nakagat ka sa paa ay mas matagal bago lumabas ang mga sintomas ng rabies kaysa sa nakagat ka sa malapit sa ulo o utak. Ang utak kasi ng tao ang inaatake ng Rabies virus.

Ang Rabies virus kasi ay may fatality rate na mataas na kapag nakarating na sa utak ng tao. Para sa common knowledge naman, ang incubation period ng rabies ay pwedeng ilang weeks lang o aabot ng ilang buwan. May mga cases din na umaabot pa ito ng sampung taon bago lumabas ang epekto sa tao.

After ng incubation period ng rabies, ang susunod na stage ng paglala ng virus sa tao ay ang tinatawag na prodormal stage. Ang prodormal stage ay ang stage ng virus kung saan nagumpisa na itong maging aktibo sa katawan. Sa panahon na ito makakaranas na ang isang tao na may rabies ng:

-lagnat

-trangkaso

-sakit ng katawan

-masakit ang ulot

-hindi mapakali

Pagkatapos ng prodormal stage ay ang tinatawag naman na neurologic stage ng rabies virus. Sa stage na ito ay makikita na ang visible na mga senyales ng rabies virus sa tao kasi umakyat na sa utak ang virus kagaya. Tandaan na sa neurologic stage ay fatal na ito at walang nakakaligtas sa pagkamatay ng isang tao o ng pusa.

2 Types ng Rabies sa Tao sa Neurologic stage

1. Furious Rabies

-Mga agressive behavior ng tao na may rabies kagaya ng pagwawala, naglalaway, nangangagat, takot sa tubig.

-Sa stage na ito ay itinatali ang affected na tao for safety purposes.

2. Paralytic Rabies

-Shy type na epekto ng rabies. Ang tao na meron nito ay tahimik nalang, hindi nagkikibo o pwede din siyang mangagat kaya mag ingat.

-Pwede din may paglalaway, takot sa hangin o takot sa tubig ang affected nito.

Ang last stage ng tao na may rabies ay ang Death stage. 100% na ang tsansa na mamatay ang nagkaroon na ng mga sintomas ng rabies.

Ano ano ang mga dapat gawin kapag nakagat ng Pusa?

1. Hugasan ang nakagat na part ng katawan

-Pwedeng gumamit ng antibacterial soap. Pwedeng kuskusin ito ng maige para maiwasan ang kumplikasyon o posibleng mabawasan ang laway ng pusa o hayop sa nakalmot o nakagat na bahagi

2. May urgency na magpa-check up dapat sa doktor. Hindi naman immediate na maka-apekto ang rabies o makapunta sa utak agad ito pero nararapat na makapunta sa bite center o doktor within 24 hours o mas mabilis pa.

3. Kung may record ka na ng anti rabies vaccine, dalhin ito para mapag-aralan ng doktor.

Conclusion

Mahalaga na malaman ang mga stages na ito ng pagkakaroon ng rabies para makapag react kaagad ang affected. Tadaan lagi na fatal o nakakamatay ang rabies at kapag may sintomas na ay wala ng chance na magamot na ito. Kaya kahit walang sintomas kailangan pading mag pa tsek up talaga.

Pero syempre maigi din na pabakunahan ang mga alaga din natin kahit na wala itong sintomas ng virus. Kapag gumala kasi ang mga hayop malaki ang tsansa na makuha nila ito at maipasa sa tao.

Iba pang mga babasahin

Halamang Gamot para sa Sipon ng Pusa

Bakit nagmumuta ang Baby na Pusa : Sintomas sa Kuting

Gamot sa Sore eyes ng Pusa

One thought on “Ilang days bago malaman kung me Rabies ang Tao na nakagat ng Pusa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *