October 28, 2024
Aso

Gamot sa pamamaga ng Talukap ng mata ng Aso : Cherry eye, Eyelid gland Prolapse

Ang nakikita natin na parang lumalabas na laman sa mata ng aso ay ang kanyang lacrimal gland. Sa medical term ng mga beterinaryo ang tawag naman dito ay ang third eyelid gland prolapse. Parang namamaga ang ibabang talukap ng mata ng aso pero paglabas lang ito ng nabanggit natin na gland sa mata.

May kadalasang lahi ng aso kung saan makikita ito. Karaniwan ito sa mga Bulldog at Shih Tzus. Dahil sa genes ito ng mga ganitong klase ng aso, minsan kapag may cherry eye ang aso hindi na sila bini-breed pa (kinakapon nalang ang aso) para hindi na dumami ang ganitong problema paglaki ng mga tuta nila.

Kaalaman tungkol sa Cherry Eye

Ang “cherry eye” sa aso ay isang kondisyon kung saan ang isang bahagi ng mata ng aso, kilala bilang lacrimal gland, ay lumabas mula sa normal na posisyon nito sa ilalim ng eyelid at lumilitaw bilang isang namumulang o pulang laman na nakalabas sa sulok ng mata. Mukha itong cherry kaya ang local term dito ay “cherry eye” ng aso.

Ang lacrimal gland ay responsable sa pag-produce ng luha upang mapanatili ang mata ng aso na lubricated. Ang kondisyong ito ay maaaring mangyari sa kahit anong edad, bagaman mas karaniwan ito sa mga batang aso o tuta.

Ang cherry eye ay hindi nakakasama sa aso ngunit maaaring maging sanhi ng discomfort o irritation. Kung hindi ito natrato ng maaga, maaaring magresulta ito sa mga komplikasyon tulad ng pagkakaroon ng dry eye syndrome o kawalan ng sapat na luha na maaaring magdulot ng impeksyon sa mata.

Paraan ng Pag-gamot sa Cherry eye ng isang Aso

Ang karaniwang ginagawa ng mga may alaga minsan ay ibinabalik ang lumabas na glandula ng mata sa pamamagitan ng pagmamasahe at pagbabalik sa pwesto nito sa ilalim ng mata, pero ayon sa mga beterinaryo at naka experience nadin ay bumabalik lang ito sa labas din ng mata ng aso.

Ang pinaka best option para maayos ito ay sa pamamagitan ng surgical replacement. Hindi tinatanggal ang gland na ito, bagkus ipinapasok ito sa lower eyelid ng aso at tinatahi para hindi na lumabas pa.

Hindi tinatangal ito dahil may mahalagang gamit ang glandula na ito. Ito ang nagbibigay ng tear o lubricant sa mata ng aso para hindi ma-irritate ito. Kapag wala ito ay madaling ma-impeksyon ang mata ng aso.

Ang cherry eye ay karaniwang nangyayari lamang sa isang mata lang ng aso, pero in rare cases ay pwede din sa dalawang mata.

Tinatanggal lamang ang glandula na ito ng aso kapag may tumor ito pero kung normal naman ay dapat ibalik lang ng maayos.

Ano ang karaniwang dahilan ng Cherry eye sa aso?

Ang mga karaniwang dahilan ng cherry eye sa aso ay nasa lahi na nila ito, anatomy o birth defects at mga trauma o stress na nararanasan ng aso.

1. Genetic Factors – Ang cherry eye ay maaaring magkaroon ng genetic na basehan, na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng mahina o hindi sapat na mga koneksyon sa glandula ng third eyelid sa aso.

2. Anatomy – Ang ilang mga aso ay maaaring may mas maluwag na mga koneksyon o mas malalaking glandula sa kanilang third eyelid, na nagdaragdag sa kanilang panganib na magkaroon ng cherry eye.

3. Trauma – Maaaring maging sanhi ng cherry eye ang pagkakaroon ng trauma sa mata o sa paligid nito, tulad ng pagkabangga o pagkamot sa mata.

4. Inflammation – Ang mga kondisyon tulad ng mga impeksyon sa mata, conjunctivitis, o iba pang mga inflammatory na kondisyon ay maaaring magresulta sa pamamaga ng mga tissues sa paligid ng mata, na maaaring magdulot ng paglabas ng glandula ng third eyelid.

5. Aging – Ang pagtanda ay maaaring magdulot ng paglambot ng mga tisyu sa paligid ng mata, na nagdudulot ng pagkakaroon ng cherry eye sa mas matatandang aso.

6. Stress – Ang mga sitwasyon na nagdudulot ng stress sa mga aso, tulad ng paglipat sa bagong tahanan o mga sitwasyon ng pagkabahala, ay maaaring magkaroon ng epekto sa kanilang kalusugan at maaaring magdulot ng mga kondisyon tulad ng cherry eye.

Iba pang mga babasahin

Vitamins para sa walang gana kumain na Aso

Gamot sa Mabahong Hininga ng Aso?

Gamot sa Dehydration ng Aso Treatment

Sources:

Doc Mj Veterinaria, Petsmedguide.com, WebMd

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *