October 2, 2024
Aso

Mga dahilan ng Pagsusuka ng Aso -Home remedy na pwede gawin

Ang ating namang pag uusapan ngayon ay tungkol sa pagsusuka ng aso at kung anong meron tayong home remedies na nasa bahay.

Uunahin na natin  kung bakit nga ba nagsusuka yung ating alagang aso ano nga ba. Ang mga dahilan kung bakit sila nagsusuka  ay ang mga sumusunod.

Mga Dahilan ng Pagsusuka ng Aso

Number one na dahilan kung bakit sila nagsusuka ay yung pagkain nila ng mga iritating substances.

Kasi alam naman natin yung mga alaga nating mga aso mahilig silang magngangatngat. Baka meron silang nakain na nakakairita sa kanilang tiyan kung kaya sila ay nagsuka

Number two na dahilan yung change of diet. Baka nanibago sila sa pagkaing halimbawa pinapakain ninyong dog food yung isa  tas pinalitan ninyo ng iba, nanibago yung kanyang sikmura kaya naging dahilan kung bakit siya nagsuka.

Yung pangatlo naman nating dahilan kung bakit nagsusuka yung ating alagang aso. Eto madalas ko rin minsan na experience yung pangatlong dahilan eh yung mabilisan nilang pagkain. Yung talagang mabilis na mabilis sandali lang ubusan nila agad yung kanilang pagkain. Kaya yun ang nagiging cause nung pagsusuka nila o kaya yung pagkatapos nilang kumain takbo sila ng takbo, laro ng laro kaya ayun nagsusuka sila. Yun ang isa ring dahilan kung bakit nagsusuka yung alaga nating aso.

Pang apat naman na dahilan yung food allergies. Baka allergic sila dun sa dog food na binigay natin sa pagkain nila kaya nagiging cause nung pagsusuka nila.

At yung panglima, baka meron silang intestinal parasite, kaya sila nagsusuka so yun yung mga dahilan kung bakit sila nagsusuka.

Huwag naman tayo masyadong magworry kung once lang natin sila nakitang nagsuka kung meron naman tayong mga gamit or gamot na pwede nating ibigay na mabilisan.

Yung first aid na meron tayo sa bahay, yung pang home remedies natin sa kanila, wag tayo agad agad matataranta gawin na muna natin yung first aid na dapat nating gawin.

Obserbahan muna natin sila.

Ngayon naman ay dadako naman tayo, yung mga home remedies na meron tayo sa bahay na pwede nating iapply sa mga alaga nating asong nakaka experience ng pagsusuka .

Home remedies sa Nagsusuka na Aso

Ano ano nga ba ang mga dapat nating gawin?

Number one pag nakita nating nagsuka yung ating alagang aso dapat isolation o ibukod natin sila ng kulungan, o kaya ay itali kasi para hindi sila makahawa just in case na seryoso yung kanilang karamdaman

Number two na pwede nating gawin na home remedies yung i-cage rest natin sila.  Dapat nakakulong lang sila para nakakapagpahinga sila ng husto at syempre pag sila ay nakakulong namomonitor natin sila ng maayos.

Kung  nagsuka pa ba sila ulit makikita natin ang sumusunod.

-Kung ano itsura nung kanilang mga suka

-Close monitoring pag nasa cage sila

Kaya yun yung number two yung cage rest.

Number three na dapat nating gawin ay ang fasting  or iwasan muna natin silang pakainin sa loob ng twelve to twenty four hours sa adult. Kung sa puppies naman  six to twelve hours.

Bakit nga ba dapat natin silang i-fasting? Kasi nga sa mga asong nagsusuka automatic yun na pag sila ay nagsuka mawawalan na sila ng ganang kumain. Kasi pag kumain sila mag ti-trigger lang yun para mas lalo pa silang magsuka kaya i-fasting natin sila. Wag natin muna silang pakainin or painumin para mamonitor natin yung kanilang kalagayan.

Sabi nga nila, bakit pa natin sila ipa-fasting eh nagsusuka na nga sila nanghihina na nga sila nanlalata na nga sila matamlay na nga sila baka mas lalo silang manghina.

Hindi naman sa ganun, kaya natin sila ifa-fasting tignan po Ninyo, yung ibang mga aso lalo na yung mga naglalanding asong lalaki more than twenty four hours kaya nilang hindi kumain pero hindi sila napapano.  Wala pong namamatay sa pag fasting sa mga alaga nating aso.

Yung ating naman pang apat, syempre if symptoms persists, kung isa mahigit sa isa o dalawa na silang beses na nagsusuka dalhin na po natin sila agad agad sa doctor. Sa Vet clinic para sila ay maagapan.

Ano naman home remedies na meron tayo sa bahay?

Number one, dapat meron tayong ano malinis na tubig. Isang basong tubig pwede natin itong ibigay sa kanila. Lagyan lang natin siya ng isang kutsarang brown sugar. Kahit dagdagan pa natin siya mas matamis mas masarap.

Meron tayo agad agad sa bahay para sa ating first aid sa ating nagsusukang aso. Tapos lagyan naman natin siya ng asin. Konting asin lang, kung wala tayong mga dextrose powder.

Ito ang isang first aid pwede na yang tubig na may asukal na may konting asin. Tapos kung pwede silang  dilaan nila o inumin nila yung sa kanilang kainan much better.

Kung hindi naman gamitan natin ito ng syringe or hiringgilya. Wag naman natin sila agad agad na  paiinumin or bibigyan ng pagkain. Halimbawa sumuka sila ngayon, wag natin muna bigyan sila ng kung ano mang tubig or pagkain kasi halimbawa sumuka sila ngayon tapos pinainom natin sila ng tubig baka isuka lang nila ulit yun.

Magpahinga lang tayo ng two to three hours tapos saka natin sila bigyan ng ganitong first aid natin o  yung pang home remedies natin.

Para hindi sila madehydrate at nang bumalik yung kanilang lakas ito yung ating pang first aid na unang unang meron tayo sa bahay tong malinis na tubig na merong brown sugar na merong konting

Meron naman din tayo ditong isang pang first aid kung meron tayong malinis na tubig tapos meron tayong dextrose powder lalagyan natin ng dextrose powder yung tubig. Pwede natin siyang lagyan ng kalahating kutsarang dextrose powder. Tapos pwede rin natin siyang lagyan ng brown sugar

Tapos kung meron tayong ginger o luya lagyan lang natin siya, yung ini slice natin na ginger lagay lang natin siya diyan. Tapos hayaan natin siyang lumamig. Pag malamig na siya tsaka natin siya lagyan ng oral or hydrate solution. Tapos yan ang ipapainom natin na first aid para sa ating alagang aso na nagsusuka Alam naman natin na ang ginger ay merong magandang benepisyo sa katawan hindi lang sa tao maging sa hayop nakakapag pa-stop din yan ng pagsusuka ng alagang aso

Mga ka dog lover, ayan yung aking simple tips kung paano o ano ang mga home remedies o first aid na dapat nating gawin kapag ang ating alagang aso ay nagsusuka.

Conclusion

Kung patuloy pa rin mga ka dog lover na nagsusuka yung ating alagang aso mas maigi nang ah dalhin na natin siya agad sa pinakamalapit na vet para mas maagapan na siya kasi kung hindi pa rin siya  gumagaling o nag iimprove yung kanyang kondisyon yung kanyang health sa ginawa nating home  remedies o first aid  baka meron na siyang seryosong nararamdaman  sa kanyang katawan. Kaya kailangan na niyang agarang pagtingin sa kanya ng ating mga vet doctor

Listahan ng Pet Clinic sa Malabon

Vetlink Animal Clinic

Address: 10 Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon City

Telepono: +63 2 8420 8422

Petmobile Veterinary Clinic

Address: 55 Gov. Pascual Ave, Potrero, Malabon City

Telepono: +63 2 8288 9991

Paws & Claws Animal Clinic

Address: 140 Gen. Luna St., Concepcion, Malabon City

Telepono: +63 2 8281 3830

Pets Med Animal Clinic

Address: 72 Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon City

Telepono: +63 2 8282 6824

Al’s Pet Clinic

Address: 75 Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon City

Telepono: +63 2 8361 6172

Happy Paws Veterinary Clinic

Address: 142 C4 Road, Longos, Malabon City

Telepono: +63 2 8282 9200

Furcare Animal Clinic

Address: 25 F. Sevilla Blvd., Tanong, Malabon City

Telepono: +63 2 8282 7101

Malabon Veterinary Clinic

Address: 78 H. Lopez Blvd., Tonsuya, Malabon City

Telepono: +63 2 8282 3470

Bark Avenue Veterinary Clinic

Address: 29 Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon City

Telepono: +63 2 8283 1012

Tail Waggin’ Vet Clinic

Address: 9 Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon City

Telepono: +63 2 8283 5601

Iba pang mga Babasahin

Libreng bakuna para sa kalmot at kagat ng Pusa at Aso

Libreng bakuna para sa kalmot at kagat ng Pusa at Aso

Ilang days bago malaman kung me Rabies ang Tao na nakagat ng Pusa

Gamot sa pamamaga ng Talukap ng mata ng Aso : Cherry eye, Eyelid gland Prolapse

One thought on “Mga dahilan ng Pagsusuka ng Aso -Home remedy na pwede gawin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *