September 13, 2024
Aso

Ano ang Distemper sa Aso – Treatment

Ano po ba itong   sakit na distemper? Ano ang mga sintomas paano ito ginagamot? Ano ang pwedeng home remedies at   paano ito maiiwasan? Sa mga katanungan na ito dito natin isesentro ang ating  discussion. Marami sa mga Pilipino ang hindi nalalaman kung ano ang sakit na ito at ang kahalagahan na magamot kaagad kapag nagkaroon ang ating mga aso.

Ano ang Distemper na Viral sickness sa Aso

Ang canine distemper ay isang malubhang viral na sakit na nakakaapekto sa mga aso at iba pang mga carnivores tulad ng raccoon, fox, at ferret. Ang sakit na ito ay dulot ng canine distemper virus (CDV), na isang uri ng paramyxovirus, katulad ng virus na nagdudulot ng measles sa tao.

Ito ay sakit ng mga canine or aso natin na virus, specifically distemper virus. Nakukuha po ito ng mga aso sa pamamagitan lamang ng hangin at ang parte ng katawan na inaatake ng virus ay respiratory system, gastrointestinal system and   nervous system.

Ano ang mga sintomas ng Distemper sa Aso?

Sa respiratory system nagdudulot ito ng problema na associated sa baga ng aso kagaya ng .

-pag uubo

-pagsisipon

-pagmumuta sa gastrointestinal   naman ay pagsusuka

-pagtatae

Sa gastrointestinal problems ito naman ang mga sintomas.

-Pagsusuka

-Pagtatae

-Pagkawala ng ganang kumain

-Pagbaba ng timbang

Sa nervous system naman ng aso ay ito yung mga  panginginig, pangingisay at   involuntary twisting. So kung ang alaga niyo ay meron ng alin man sa mga sintomas na nabanggit natin lalo na kumbinasyon ng mga sintomas ng respiratory, gastrointestinal, nervous system ay magduda na kayo baka distemper na nga yan.

Papano ba natin ito maconfirm o nadadiagnose ng mga beterinaryo?

May mga test na ginawa upang maconfirm ito. Kailangan maconfirm dahil hindi naman ang aso ay inuubo o sinisipon o nagmumuta nangingisay etcetera ay distemper na kaagad.

So to confirm this, may mga rapid test kit na ginagamit ang mga doctor or pinaka best at test to confirm this this is sa PCR.

Distemper/Parvo Virus Dog Test Kit (2 in 1) COMBINED(100% accurate)

So ngayon papano po ba ginagamot ang Distemper sa Aso?

Supportive or symptomatic treatment lamang. Ibig sabihin alalay ng mga gamot para sa mga sintomas na dulot ng virus. Katulad ng antibiotic, anti cough remedies mucolytic, anti seizure fluids, immune booster or immune therapy at marami pa.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin talagang naimbento na gamot pamatay sa mismong virus na ito ngunit sa tulong ng mga supportive or symptomatic treatment at sa tibay ng immune system ng pasyente sila po ang mapalad na nakakasurvive.

Paano pag wala ako pampa beterinaryo, ano ba home remedies ng canine distemper?

Actually mabigat na sakit po ito na idadaan lamang sa home remedies. Pero kung wala talagang pampa beterinaryo si pet owner o walang free sa clinic eh ano pa ba ang magagawa kundi home remedies na nga lang sa ganito.

Ang makatwiran na pwede mong ibigay ay rehydration o tubig. Tubig lang na may halong asukal o kung may orisol hydrate mas okay yun sa pagsusuka ubo at sipon.

You can use sa ginger tea, at kung may honey rin kayo then pwede nyo rin itong ibigay dahil meron po itong antibacterial, antiviral and immune with stimulant properties.

Then samahan nyo na lang ng dasal na sana matibay ang immune system ng inyong alaga. Na sana malampasan niya ng kusa ang kanyang sakit.

Ang importante dito na may ginawa kayo sa abot ng inyong makakaya na tulungan ang inyong may sakit na alaga.

Papano ba  maiiwasan and distemper sa aso?

Vaccination ang susi para makaiwas sa sakit na ito, kasama ito sa bakuna na CDV vaccine, o mas kilala sa tawag na five in one or six in one or eight in one vaccine. Kaya pabakunhan niyo na talaga ang inyong alagang aso para hindi mahawa nitong nakakamatay na sakit na distemper na ito

Listahan ng Veterinary clinic sa Quezon city

Vets in Practice

Address: 63 Maysilo Street, Brgy. Malamig, Mandaluyong City (may branch sa Quezon City)

Telepono: +63 2 8531 1581

Petlife Veterinary Clinic

Address: 60 Maginhawa Street, UP Village, Quezon City

Telepono: +63 2 8921 9825

Animal House Veterinary Hospital

Address: 68 Timog Avenue, Diliman, Quezon City

Telepono: +63 2 3415 6195

VIP Animal Care – Congressional

Address: 23 Congressional Avenue, Project 8, Quezon City

Telepono: +63 2 8924 9157

Wellpets Veterinary Clinic

Address: 28 Kalayaan Avenue, Quezon City

Telepono: +63 2 8920 8487

The Pet Project Veterinary Clinic

Address: 47 Examiner Street, West Triangle, Quezon City

Telepono: +63 2 8442 3153

Paws and Claws Veterinary Clinic

Address: 56 Anonas Extension, Sikatuna Village, Quezon City

Telepono: +63 2 8352 9605

East Avenue Animal Clinic

Address: 37 East Avenue, Diliman, Quezon City

Telepono: +63 2 8921 2298

Furry Tails Veterinary Clinic

Address: 25 Don A. Roces Avenue, Quezon City

Telepono: +63 2 372 2975

Pet DVM Veterinary Clinic

Address: 123 Mother Ignacia Ave, Diliman, Quezon City

Telepono: +63 2 410 4840

Iba pang mga Babasahin

Mga dahilan ng Pagsusuka ng Aso -Home remedy na pwede gawin

Libreng bakuna para sa kalmot at kagat ng Pusa at Aso

First Aid sa Aso na nagtatae – Mga dapat gawin sa Pagtatae

One thought on “Ano ang Distemper sa Aso – Treatment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *