September 12, 2024
Aso

Matamlay na Aso : Sintomas at Home remedy

Pag usapan naman natin ngayon ang tungkol sa pananamlay ng aso.

Ano ang ibig sabihin kapag matamlay ang aso at ano ang dapat gawin ni pet owner kapag matamlay ang kanyang alaga? Sa mga katanungan na ito dito ko isesentro ang article natin na ito.

Ano ba ibig sabihin kapag matamlay ang iyong alagang aso?

Ang pananamlay ng aso ay sintomas po ito o nagpapahiwatig po ito na may problema talaga ang inyong alaga. Subalit general symptoms ito o sintomas po ito ng napakalawak na posibleng problema o sakit mula sa simple hanggang sa seryosong mga sakit.

Madalas napapansin ni pet owner na matamlay ang kanyang alaga dahil kung dati rati ay makulit ito ngayon bigla na lang ayaw makipaglaro at lagi na lang nakahiga kung dati rati excited na sumasalubong sa iyo pagdating ngayon ay hindi na. Akala ng iba ay nagtatampo lang syempre dahil parang baby natin yan kaya nakakapag alala talaga lalo na kapag ayaw pa kumain.

Ano po ba dapat na gawin kung ang iyong alaga na Aso ay matamlay?

Kung may access ka sa veterinary clinic then pati na rin po sa sa vet talaga so yan yung pinakamagandang gawin. Ngunit kung sa anong kadahilanan na hindi niyo pa madala sa clinic then subukan itong mga suggestion na ito.

Una  double dose in your multivitamins or instead of once a day, gawin niyo o i-try na gawing two times a day, like for a week gradual ang pagbibigay ng vitamins. Ang concentration and dose recommendation ay para talaga sa kanila. Kung meron pa kayong mapagbilhan na mga gel form na mga multivitamins mas okay yun kasi may mga amino acid content din siya. Mahalaga din ito especially doon sa mga matamlay na pet na wala ring gana kumain.

Pangalawa water with glucose monohydrate or alternatively tubig na may halong asukal. Ang gawin nyo ay isang basong tubig lagyan nyo ng dalawa hanggat tatlong kutsara ng glucose monohydrate o yun nga kapag wala kayong glucose monohydrate kahit yung asukal at yan ang lagi nyong ipainom. Ito ay nakakatulong bilang energy support na inyong alaga.

Kaya sikat itong mga dextrose powder na yan kilala yan sa mga dog group o mga pet owner at maging asukal-asukal na yan everytime na may sakit si pet. Kahit na lason pa yan asukal lang daw katapat non.  But actually wala naman ibang magic yan, just a simple source of energy ang  mga sugar na yan. Then contains glucose na kailangan sa katawan ng pet plus i-rehydrates sa patient dahil sa tubig niyo nga ito ihahalo.

Pangatlo kapag matamlay ang inyong alaga huwag niyong pilitin o i-stimulate na sumigla katulad ng pagbibigay ng kalaro o laruan at pamamasyal sa kung saan saan. Kasi yung ibang mga pet owner kapag napansin nila na matamlay ang kanilang alaga sa kagustuhan nilang makita na masikla ito o gagalaw ay ipapasyal nila sa kalsada o sa park o binibigyan nila ito ng mga laruan.

Lalo lang po ma-exhaust ang energy na inyong alaga at lalo lang lalala ang kanyang pananamlay, so sa halip ikulong mo, itali niyo yan at ah bigyan ng sapat na panahon na makatulong o makapagpahinga talaga

Mahalaga ang pahinga para lumakas ang immune system at mabilis makarecover ang puwet sa kanyang pananamlay.

Sa ganitong paraan niyo gawin kung hindi niyo pa madala sa pet ang inyong alaga pero kung magpatuloy talaga ang pananamlay at lalo na kung may mga kasabayan pang mga ibang sintomas na katulad halimbawa ng kawalang ganang kumain, pagtatae, pagsusuka, ubo sipon at kung ano ano pa ay gawan nyo po talaga ng paraan na madalas sa doktor para ma examine yan, ma diagnose at mabigyan ng ideal ng mga gamot.

Animal Pet Clinic sa Laguna

Golden Griffin Animal Clinic & Grooming Center

Lokasyon: Santa Rosa, Laguna

Serbisyo: Regular check-ups, grooming

Serbisyo Beterinaryo Animal Hospital Sta Rosa (24Hrs Emergency)

Lokasyon: Santa Rosa, Laguna

Serbisyo: Emergency services, general veterinary care

Sta. Rosa Animal Clinic

Lokasyon: Santa Rosa, Laguna

Serbisyo: Veterinary services

Petropolis Nuvali: Animal Clinic and Grooming Center

Lokasyon: Santa Rosa, Laguna

Serbisyo: Grooming, veterinary care

Jurisvet Pet Emergency Hospital

Lokasyon: Los Baños, Laguna

Serbisyo: Emergency veterinary services

ACE ARK Veterinary Clinic and Grooming Salon

Lokasyon: Los Baños, Laguna

Serbisyo: Grooming, general veterinary services

FMS Veterinary Clinic

Lokasyon: Los Baños, Laguna

Serbisyo: General veterinary care

Vetsquare Veterinary Clinic

Lokasyon: Los Baños, Laguna

Serbisyo: General veterinary care

Abys Agrivet and Animal Clinic

Lokasyon: Halang Road, Calamba, Laguna

Telepono: (049) 502 1596

Serbisyo: Veterinary services, animal supplies

Blue Pet Animal Clinic

Lokasyon: Lot 1 Block 1, National Highway, Canlalay, Biñan, Laguna

Serbisyo: General veterinary care

Iba pang mga Babasahin

Home remedy sa Asong matamlay

Bakit matamlay ang aso at ayaw kumain

Mga dahilan ng Pagsusuka ng Aso -Home remedy na pwede gawin

First Aid sa Aso na nagtatae – Mga dapat gawin sa Pagtatae

2 thoughts on “Matamlay na Aso : Sintomas at Home remedy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *