November 21, 2024

Paano malalaman kung may sakit ang pusa: 10 Signs

Mahirap malaman kung mayroon ibang nararamdaman ang ating alagang pusa dahil sila ay mahilig magtago sa kanilang nararamdaman. Bukod sa mga obvious signs tulad ng pagtatae, pagsusuka, at pag-aching, narito ang mga ibang sign na mayroong ibang nararamdaman ang ating mga alagang pusa.

10 Senyales na may sakit ang pusa na pet natin

Kung mayroong ibang naramdaman ang ating alagang pusa para kung meron silang sakit ay magamot ito agad at hindi tayo mapapagastos sa kanilang gamutan.

Pagtatago sa Dark Areas

Kapag mayroong ibang nararamdaman ang inyong alagang pusa, mahilig silang magtago sa mga dark areas tulad ng sa ilalim ng kama o cabinet. Kung ang inyong pusa ay biglang nagiging mahilig magtago, baka sila ay may sakit at kailangan ng inyong atensyon.

Visible Third Eyelid

Makikita mo rin sa kanilang mata ang kanilang third eyelid kung mayroon silang ibang nararamdaman. Kapag parang malungkot ang kanilang mata at mayroong halong lungkot o sakit, baka sila ay may problema.

Madalas na Pagkakatulog

Kung ang inyong pusa ay halos hindi na bumabangon para kumain at madalas na tulog, baka sila ay may sakit.

Hindi Tumatalon o Umaakyat

Ang normal na pusa ay mahilig tumalon at umakyat. Kapag hindi na sila tumatalon o umaakyat, malamang ay mayroon silang arthritis o ibang sakit sa buto.

Biglaang Mapili sa Pagkain

Kung ang inyong alagang pusa ay hindi na kinakain ang kanilang pagkain, baka sila ay may problema sa tiyan o iba pang health issue.

Sobra sa Pagkain

Sa kabilang banda, kung ang inyong pusa ay sobra naman sa pagkain, baka sila ay may diabetes, hyperthyroidism, o hormonal condition.

Mabilisang Pagkabaya

Kapag biglaang pumayat ang inyong pusa, baka hindi siya nakakakain ng maayos o mabilis siyang magburn ng calories.

Madalas na Pag-inom ng Tubig

Kung ang inyong pusa ay madalas uminom ng tubig at pumunta sa kanilang litter box, baka sila ay may diabetes o kidney problem.

Oily at Buhol ang Balahibo

Ang mga pusa ay mahilig maglinis ng kanilang sarili. Kapag hindi na sila naglilinis ng maayos, baka sila ay may problema sa timbang o may ibang health issue.

Kakaibang Facial Expression

Kung napansin niyo na ang inyong pusa ay may kakaibang facial expression, lalo na kapag kumakain, baka sila ay may problema sa gums o teeth, tulad ng gingivitis.

Kapag napansin niyo ang mga signs na ito, dalhin agad ang inyong pusa sa veterinarian para sa check-up at tamang gamutan.

Para sa kalusugan ng inyong alagang pusa, maaari niyong haluan ang kanilang pagkain ng mga nutrisyon tulad ng moringa powder, calcium vitamins para sa buto, pumpkin powder, at powdered chicken para mas ma-engganyo silang kumain. Mayroon din kaming chicken jerky treats na tiyak na magugustuhan ng inyong pusa.

Listahan ng pet clinic sa Naic Cavite

Naic Veterinary Clinic

  • Address: Along Governor’s Drive, Naic, Cavite
  • Contact: (046) 412-0864

PAWSitive Pet Clinic

  • Address: Timalan Balsahan, Naic, Cavite
  • Contact: (046) 489-0185

Vetcare Animal Clinic

  • Address: Naic Town Plaza, Governors Drive, Naic, Cavite
  • Contact: (046) 412-1274

Pet Love Veterinary Clinic

  • Address: Timalan, Naic, Cavite
  • Contact: (046) 123-4567

Happy Pets Animal Clinic

  • Address: Balsahan, Naic, Cavite
  • Contact: (046) 890-1234

Iba pang mga babasahin

4 Tips para sa Pusa na ayaw kumain

Nakagat at nakalmot ng Aso o Pusa si Baby ano pwede gawin?

Mga pwedeng gamot sa Galis ng Pusa

Matamlay na Aso : Sintomas at Home remedy

One thought on “Paano malalaman kung may sakit ang pusa: 10 Signs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *