Ano ang mga dapat gawin kapag ang mga alaga natin ay walang gana o hindi kumakain ng tama? Yung kanilang reserbang taba sa katawan ang nagagamit para sa kanilang enerhiya o lakas. Ang body fats na ito ay dumadaan muna sa atay bago magamit para sa kanilang lakas. At ang prosesong ito ay nangangailangan ng sapat na supply ng protina.
May mga pusa talagang mapili sa pagkain, pero kung ayaw o hindi na talaga kumakain, may posibilidad na merong mas seryosong isyu ang ating alaga. Kapag napansin niyo na mabilis ang pagbagsak ng katawan ng pusa niyo dahil sa hindi pagkain, nauubos ang reserbang protina nila sa katawan, kaya’t hindi na nakakaproseso ng maayos ang atay na posibleng maging sanhi ng sakit sa atay. Importanteng maagapan ang ganitong kondisyon para maisalba ang mga mahal nating alaga.
Mga dahilan kung bakit ayaw o walang ganang kumain ang pusa
Maaaring May Sakit ang Pusa
Ang pagkawala ng ganang kumain ay isang indikasyon na may masama sa kalagayan ng ating alaga. Huwag nating isawalang bahala ito lalo na kung bigla na lang nawalan ng gana ng di alam ang dahilan. Maraming posibleng maging dahilan ang ganitong kalagayan tulad ng impeksyon, sakit sa bato, problema sa tiyan, at maaari ding cancer. Hindi naman lahat ay may seryosong dahilan; pwede din namang masakit lang ang ngipin o hindi gusto ang amoy ng pagkain.
Kapag Bago Lang Nabigyan ng Bakuna
Kung kagagaling lang sa pagpapabakuna ang inyong pusa, maaaring dahilan ito ng pagkawala ng ganang kumain. Posible kasing magkaroon ng reaksyon ng bakuna sa katawan ng pusa. Alam naman natin na ang pagpapabakuna ay isa sa paraan para makaiwas sa mga delikadong sakit ang mga alaga natin. Pero madalas din na meron itong side effects sa ibang pusa at isa nga sa mga ito ay ang pagkawalang ganang kumain. Hindi naman ito dapat ipag-alala dahil madalas mild at temporary lang ito.
Pagbiyahe o Bagong Paligid
Likas sa pusa ang pagiging habitual at yung pagstay lang sa isang pamilyar na lugar. Kaya’t pag may pagbabago sa routine, isa rin ito sa dahilan ng pagkawala ng ganang kumain. May motion sickness din ang mga pusa kaya kapag galing sa biyahe lalo na kung malayo, nakakaramdam sila ng pagkahilo at pagkalito kaya nawawala din ang gana nilang kumain.
Psychological Issues
Kapag wala namang sakit pero walang ganang kumain, ang posibleng dahilan ay stress o kaya ay depresyon. Tulad halimbawa kung may binago sa loob ng bahay lalo na kung saan sila madalas, may bagong tao at hindi sila pamilyar, o kaya ay may mga pagbabago sa schedule ng pagpapakain sa kanila.
Pagiging Pihikan
Ang pinaka-common na dahilan ay yung pagiging finicky eater ng pusa o yung pagiging pihikan sa pagkain. Tandaan na karamihan sa mga pusa ay hindi agad nakakaadjust kung may mga bagong klase ng pagkain.
4 Tips Ano ang mga Pwedeng Gawin kapag ayaw kumain ng pusa?
-Huwag hayaang magutom
-Pakainin ng delata o wet food
-syringe feeding
-Canned food o atay ng manok
May sakit man ang inyong pusa, stress, o kaya ay balisa, o kaya ay talagang mapili lang, tandaan na kung ayaw o hindi talaga kumakain, malaki ang posibilidad na magdulot ng masama sa inyong alaga. Kaya kahit may nirekomendang diet para sa inyong pusa, huwag na huwag hayaang magutom ng hindi pinapakain kahit through force feeding.
Kung sakit ang pinakadahilan ng pagkawalang ganang kumain ng pusa niyo, mas mabuting sumangguni sa pinagkakatiwalaan ninyong vet doctor para mabigyan ng tamang paraan o sistema ng pagpapakain. Maaaring kailangang baguhin ang uri ng pagkain o frequency ng pagpapakain. Isang paraan ay ang pagpapakain ng delata o wet food kapag may karamdaman dahil mas nakaka-stimulate ang amoy ng mga ito.
Kung talagang ayaw pa ring kumain, isang paraan din ang liquid diet sa pamamagitan ng syringe feeding o kaya ay spoon feeding. May mga gamot din naman na pwedeng ireseta ang isang vet doctor tulad ng appetite stimulants.
Kung normal at hindi naman sakit ang dahilan, may mga bagay o paraan din para mahikayat kumain ang inyong pusa. Tulad halimbawa ng canned cat food o kaya ay atay ng manok in small amounts. Appetite stimulants ang mga ito sa karamihan sa mga pusa dahil sa amoy. Tandaan lang natin na dapat ay kontrolado lang ang pagbigay ng mga ganitong uri ng pagkain. Kapag napadami, maaaring magdulot ng kakulangan o pagkasobrahan ng bitamina at mineral na kailangan ng kanilang katawan at maaaring makasama.
Sa mga commercial cat foods, pwede itong initin ng konti para maenhance ang amoy at flavor. Isa ring paraan ang paghalo ng fish oil, sabaw ng manok, o kaya ay konting nilagang itlog. Pakonti-konti lang ang paghain ng hindi masayang kapag may natira. Makabubuti ring sanayin ang inyong mga alaga sa iba’t ibang brands sa pamamagitan ng gradual transitioning in between. Sa katagalan ay masasanay silang kumain sa ganitong paraan kahit iba-iba ang variety.
Bukod sa mababawasan ang kanilang pagkapihikan sa pagkain, mababawasan din ang pagkakaroon ng food allergies at intestinal problems. Mababawasan din ang problema ninyo sa paghahanap ng specific brand lalo na kung walang available sa mga pamilihan o kaya naman ay walang stocks ang mga nagsusupply.
Conclusion
Sana ay makatulong sa inyo ang article na ito kahit sa maliit na paraan tulad ng pamamahagi ng ganitong impormasyon. Tandaan po natin na anumang manipestasyon ng sakit o kakaibang kondisyon ng ating mga alaga, mas makabubuti pa ring sumangguni sa pinakamalapit at pinagkakatiwalaan ninyong vet.
Iba pang mga Babasahin
Nakagat at nakalmot ng Aso o Pusa si Baby ano pwede gawin?
Mga pwedeng gamot sa Galis ng Pusa
One thought on “4 Tips para sa Pusa na ayaw kumain”