January 14, 2025

Ilang araw bago umepekto ang rabies ng pusa?

Ang rabies ay isang nakamamatay na viral infection na maaaring maipasa mula sa hayop patungo sa tao. Hindi agad nagkakaroon ng sintomas ang isang pusa na may rabies pagkatapos silang makagat o makalmot. Ito ay tinatawag na “incubation period” at maaaring magtagal mula ilang linggo hanggang ilang buwan, depende sa dami ng virus na nakuha at sa malapitang pagkakaugnay ng sugat sa utak ng pusa.

Kaya Ayon sa petsmedguide.com maging maingat lagi sa paghawak ng ating mga alaga o pagkakaroon ng aksidente na pangyayari para mangagat ang pusa kagaya ng naapakan o habang pinapakain sila. Maige din na pabakunahan ang mga alaga ng anti rabies para safe sila pati ang nag-aalaga ng mga pets.

Kapag nagkaruon na ng sintomas ang isang pusa na may rabies, ito ay madalas na nauuwi sa kamatayan kaya seryosohin ang mga ganitong pangyayari. Ang mga sintomas ng rabies sa pusa ay maaaring mag-iba iba depende sa laki ng sugat, dami ng virus na naipasa o bilis ng pagkalat nito sa katawan. Maaari itong magdulot ng mga sumusunod.

Halimbawa ng Epekto ng Rabies virus sa Pusa

Ang mga behavior na ito ng pusa ay posibleng magyari sa loob din lang ng ilang araw na ma-expose ito sa virus.

Pagbabago ng Ugali

Maaring magkaroon ng pagbabago sa asal ng pusa, tulad ng pagiging agresibo o malamig.

Pagsusuka at Pagtatae

Ang rabies sa pusa ay maaaring magdulot ng pagsusuka at pagtatae.

Labis na Pagka-uhaw

Ang pusa ay maaaring magpakita ng matinding pagka-uhaw pero may labis na pagkatakot sa tubig.

Pamamaga ng Lalamunan at Pagsasalita

Ang pagkakaroon ng pamamaga sa lalamunan at ang nakakarindi na boses ay maaaring mangyari.

Pagka-disoriented

Ang pusa ay maaaring magkaruon ng pagka-disoriented o kawalan ng koordinasyon sa paggalaw. Pwede siyang magpasuray suray din sa paglalakad.

Pagngawit ng Mata at Pag-atake

Maaari itong magresulta sa pagngawit ng mga mata, pag-atake, at kahinaan sa kalamnan. Mapapansin din sa ganitong sitwasyon na kahit mahina ang pusa may pagka agresibo ito kapag nilalapitan.

Hindi Paggalaw o Pagkakaroon ng Paralysis

Habang lumalala ang sakit, ang pusa ay maaaring magkaruon ng hindi paggalaw o paralysis.

Ipinapayo na magpa-bakuna ng post-exposure prophylaxis (PEP) kung ikaw ay nanganganib na magka-rabies mula sa pagkalmot o pagkagat ng isang hayop.

Paunang lunas kapag nakagat ng pusa

Tandaan din natin na dahil sa kung saan saan nagagamit ng pusa ang kanyang bunganga pwedeng may mga bacteria din ito sa kanyang laway o bunganga.

Hugasan ang Sugat

Agad na hugasan ang sugat sa ilalim ng malinis na tubig ng may 5-10 minuto. Ito ay makakatulong na alisin ang anumang dumi o laway na maaaring magdulot ng impeksyon.

I-disinfect ang Sugat

Pahiran ang sugat ng isang antiseptic o hydrogen peroxide. Ito ay makakatulong na mapanatili ang malinis na kalagayan ng sugat at maiwasan ang impeksyon.

Medical alcohol spray 75 degrees ethanol hydrogen peroxide hydrogen peroxide wound sterilization

BETADINE Povidone Iodine Wound Solution 10 percent Antiseptic 15ml

Takpan ang Sugat

Gamitin ang isang malinis na bandage o sterile dressing upang takpan ang sugat at maiwasan ang pagkakahawak nito. Baguhin ang bandage araw-araw o depende sa kung gaano kadalas ito madumihan o basain.

30Pcs/Pack Waterproof Band-Aid Wound Dressing Transparent Sterile Tape

Magpa-konsulta sa Doktor

Mahalaga ang agarang pagpapatingin sa doktor para sa tamang pagsusuri at assessment ng sugat. Ang doktor ang makakapagbigay ng rekomendasyon kung kinakailangan.

Dapat bang mag-pa inject ng Anti-rabies kapag nakagat ng Pusa?

Kapag nakagat ng pusa, pumunta kaagad sa doktor para sa karampatang lunas. Karaniwang binibigyan ng anti rabies shots ang mga nakagat ng mga hayop na potential na may rabies. Usually ay nasa 3-4 shots ang tinatawag na PEP vaccination, pero depende ito sa doktor na titingin ng kagat ng pusa sa iyo.

Ang vaccination naman ng anti-rabies ay nagkakahalaga ng Php500 – Php2,000 pesos per shot.

Source: https://magkano.info/magkano-ang-anti-rabies-vaccine/

Conclusion

Mahalaga na hindi mo balewalain ang mga sugat na galing sa kalmot ng pusa, lalo na kung ito ay malalim o malapit sa mukha, mata, o sa mga kamay at paa. Hindi natin masasabi na pwedeng umabot ang rabies ng pusa ng ilang linggo o buwan kaya ang iba ay nagpapaliban ng pagpapa-checkup sa doktor. Ang rabies ay isang seryosong kondisyon, at ang PEP o bakunang laban sa rabies ay maaaring kinakailangan kaagad.

Tandaan natin na once lumabas na ang mga sintomas ng rabies sa pusa o sa tao, hindi na kakayanin pa ng anumang anti-rabies vaccine na magamot ang meron nito.

Iba pang mga Babasahin

Bagong panganak na aso may rabies ba?

May rabies ba ang kalmot ng aso?

Lahat ba ng pusa ay may Rabies?

Ilang taon ang epekto ng Anti rabies sa tao

3 thoughts on “Ilang araw bago umepekto ang rabies ng pusa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *