Masasabi natin na nagtatae ang alaga natin aso kapag labis ang pagkabasa ng kanilang mga tae, nanghihina at matamlay. Pwede ding makaroon nga ng diarrhea ang mga aso kaya ano ang first aid na pwede nating gawin para maagapan ang dehydration at pagkakasakit nila.
Regardless kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng pagtatae o diarrhea sa aso ang first aid ay mahalaga para maprevent ang mga kumplikasyon. Tandaan na dapat pading malaman ang dahilan ng pagtatae para sa karampatang gamutan.
Mga First Aid sa nagtatae na Aso
1. Huwag munang pakainin ang alaga
Habang hindi pa malinaw ang pinanggagalingan ng sakit ng aso, huwag munang magbigay ng magbigay ng pagkain. Pwedeng hindi muna sila pakainin ng 12 – 24 hours lalo na ang mga adult na may medium to large size na pet at 6 -12 hours naman sa mga small breed ng pet o yung mga tuta natin.
Sa panahon na ito parang tao din sila na kailangan ng pahinga ang tiyan kasi baka lalong magtae kapag pinakain ng pinakain
2. Ikulong sila para hindi makakain ng kung ano-ano
Mahalaga na iwasan muna ang mga alaga na pagala gala kasi baka kung ano ano makain at makapahinga ang bituka ng ating alaga.
3. I-rehydrae ang ating mga alaga
Painumin sila ng mga mayaman sa potasium at sodium kagaya ng oral rehydration solutions (hydrite) na pwedeng mabili sa mga over the counter na gamot sa aso. Ang mga electrolytes na kasama sa mga rehydration salts na ito ang pamalit sa hindi nila pagkain dahil kailangan padin ng katawan nila ang pamalit sa nawala nilang likido dahil sa pagtatae.
Meron din ang tinatawag na Dextrose powder isang kilalang brand na may glucose monohydrate. Kung meron ka sa bahay ay pwede din naman ito pero mas maganda kung meron itong electrolyte.
4. Gumamit ng probiotic sa kanilang pagkain
Marami ng pag-aaral ang seyensya sa paggamit ng probiotic ay malaking tulong sa mga aso na may diarrhea. Kahit yung mga erceflora ay pwede kahit na sa tao madalas gamitin. Pwede kahit 1 capsule per day lang ang ibigay ay malaking tulong na ito.
5. Food rich in fiber
Effective lang ito sa mga pet natin lalo na kung may appetite ang alaga na kumain pa, pero kung ayaw talaga kumain ay hindi magiging epektibo ito. Merong mga brand kagaya ng “pumpkin” nakadelata na rich in fiber na pagkain nila. Alternatively pwede tayong mag prepare ng nahati hati na kalabasa, i-mash ito ng maigi. Ang kalabasa na ito ay pinapakuluan lamang ng maigi at inihahalo sa kanilang mga pagkain.
Pwede ding ang iba pang mga bland na pagkain katulad ng kanin na nilagyan ng nilagang karne ng manok. Ipakain ito ng 24 – 48 hours para mag settle ang nararamdang sakit sa tiyan ng aso.
Sa ibang kasi may mga gastrointestinal na gamot na mabibili sa mga clinic ng beterinaryo at safe ito gamitin kahit walang reseta.
Conclusion
Kung simpleng sakit lang ito ng pagtatae ng aso ay magiging mabisa ang mga nabanggit na paunang lunas sa pagtatae. Pero kung tuloy tuloy padin ang pagtatae ng aso o may kasamang mga patak ng dugo ay mahalagang madala na sila sa beterinaryo baka may mas malalim na dahilan kaya ang diarrhea ng aso ay hindi mawala wala.
Iba pang mga Babasahin
Bakit nagmumuta ang Baby na Pusa : Sintomas sa Kuting
Kulay ng Dumi ng Pusa at Sintomas kapag may sakit ito