Sa article na ito pagusapan natin kung si baby ay kinagat ng aso, kinagat ng pusa pwede ring kinalmot ng aso o pusa at kung ano ang gagawin sa kanila at kung pwede ba sila sa anti rabies vaccine.
Minsan gustong gusto natin na sumaya ang mga anak natin. At base narin sa karanasan natin binibilhan natin sila ng alaga na aso o pusa para malibang sila. Pero nakakalimutan natin na ang mga alaga natin halimbawa na pusa ay may instinct na mangalmot kahit na sobrang bait pa nito kapag na trigger sila kagaya ng paghila ng buntot nila.
Mga Pang anti rabies Vaccine para sa kagat ng aso o pusa
Kapag nakalmot ang bata at lalo na bumaon ito sa balat ipinapayo ng doctor na kailangan ng ma-injection ng dalawang klaseng vaccine na pang anti rabies.
Number one yung tinatawag na immunoglobuline.
Magbibigay ang doctor ng schedule kung kailang ang mga vaccinations schedule. Merong sinunod na schedule kung kailan babakunahan ang bata.
Karaniwan sa ganitong mga kaso ang tawag sa vaccine ay post exposure. Dahil nga nakalmot na yung bata ang schedule ng bakuna ay ang sumusunod.
Day zero day, three, day seven. Depende kung intradermal o intramuscular.
So kapag sinabi nating intramuscular yung buong vial ng anti viral vaccine, yung buong buong vial na anti rabies ay ikakarga or i-inject doon sa pasyente.
Subalit meron din yung tinatawag din naman na intradermal, kung saan sa ilalim ng ng balat ilalagay. Kaya nga siya tinatawag intradermal. So ganun na nga ininjectionan yung batang pasyente at obserbahan ang na quarantine na pusa o aso ng within sa fourteen days.
Obserbahan ang alaga kung mayroon itong sintomas ng Rabies.
Narito ang isang halimbawa ng pangyayari sa aso na under quarantine.
“Malakas naman po kumain yung aso (pagkatapos ma quarantine) naglalaro malakas kumain. Subalit noong pang limang araw natagpuan ko pong patay yung aso so dali dali po ako pumunta doon sa sinabi ni doktora na pupuntahan sa Santa barbara at dinala ko po yung ulo ng aso dun. Binalot ko sa supot ng yelo na sinabi ni doktor at dinala ko doon. Alas dose lumabas po yung result, ako poy nagulat sapagkat positive sa rabies po yung nakakalmot dun sa apo ko so bumalik po kami kay doktora at hinabol po yung tinatawag na immunoglobulin.”
Ano po ba yung rabies na ito na galing sa Aso o pusa?
Ang rabies ay isang virus na ang inaatake nito ay ang tinatawag na central nervous system. Yung lugar ng ating brain at tsaka yung ating spinal cord.
Ano dahilan ng pamamaga ng kagat o kalmot ng aso at pusa ?
Pagka tayo naexpose sa aso pusa o animal paniki very rare sa daga na may rabies mamamaga ang brain at tsaka yung spinal cord which causes ninety nine point nine percent mortality.
So napakaliit ng percent chance na mabubuhay pa.
Kaya nga madalas ang payo ni doktor dalawang klaseng bakuna yung vaccine at yung immunoglobuline. Wala kasing treatment dito. Prevention lang ang laban natin sa rabies. So pagkatapos kang kinagat ng aso’t pusa or nakamot dahil galing nga sa laway na infected na dog or cat or other animal,s magkakaroon yung pasyente ng fever, headache, minsan nasusuka sila tsaka parang pagod na pagod. Pwde ding may confusion na parang wala sa sarili at tsaka hyperactive sila.
Ngayon ang kalimitan di sinasabi ng mga pasyente dun sa pinagkagatan o dun sa may sugat kagaya niyan meron parang sensation na alam niyo yung tinutusok tusok ng karayom, tingling sensation parang namamanid o parang nangunguryente ang sensationdiyan.
Kaya importante ang mga nanay dito sa ating example hinabol yung tinatawag na rabies immunoglobuline dahil nnapag alaman na yun ngang aso ay may rabies sapagkat namatay on the fifth day.
So usually pag ang kumagat na hayop or nakakamot na hayop ay rabid within fourteen days, posible na in ten days mamamatay yung animal so yan senyales na yan na habulin kumpletuhin ang injection sa rabies.
Pero ang ideal treatment pagka nakalmot o nakagat ay hugasan ang area soap and water. Pagkatapos pumunta sa nearest na doktor or pedia magpabakuna ng anti rabies. Pwede din sa animal bite clinic
Para sa mga magulang kung maliliit pa mga anak please avoid muna na bumili ng dog or cat para iwas rabies. Ang ibig sabihin lang iwasan na lang natin yung sitwasyon na maari sila pang maexpose sa aso’t pusa na merong rabies. so pag may alaga kayo, ipa anti rabies nyo rin yung inyong alaga.
Pwede ba ang anti rabies Vaccine sa Baby?
Oo, maaaring magkaroon ng anti-rabies vaccine ang isang sanggol o baby kung siya ay na-expose sa rabies. Sa karamihan ng mga kaso, ang pagtuturok ng anti-rabies vaccine sa sanggol ay iniisip na mas ligtas kaysa sa panganib ng pag-develop ng rabies kung siya ay na-expose sa virus.
Mas mababa ba ang dosage ng Anti rabies sa Baby kaysa sa may edad na bata?
Oo, ang dosis ng anti-rabies vaccine ay maaaring mag-iba depende sa timbang at edad ng pasyente. Sa pangkalahatan, ang mga sanggol at mga bata ay maaaring tumanggap ng mas mababang dosis kumpara sa mga matatanda. Ang mga eksaktong dosis at schedule ng pagbabakuna ay karaniwang itinutukoy ng isang lisensyadong doktor o tagapag-alaga ng kalusugan batay sa pangangailangan ng bata at iba pang mga factors tulad ng timbang, edad, at eksaktong sitwasyon ng pagkahawa.
Listahan ng Animal Bite Center sa Batangas
Batangas Medical Center Animal Bite Center
Address: Kumintang Ibaba, Batangas City
Contact Number: (043) 723-1211
Batangas Provincial Hospital Animal Bite Treatment Center
Address: Diversion Road, Alangilan, Batangas City
Contact Number: (043) 723-2736
San Juan Animal Bite Center
Address: San Juan Municipal Hall, Poblacion, San Juan, Batangas
Contact Number: (043) 575-4387
Nasugbu Animal Bite Center
Address: Nasugbu Rural Health Unit, Poblacion, Nasugbu, Batangas
Contact Number: (043) 931-1127
Tanauan City Animal Bite Treatment Center
Address: Tanauan City Health Office, J.P. Laurel Street, Tanauan City
Contact Number: (043) 778-0544
Iba pang mga Babasahin
Mga pwedeng gamot sa Galis ng Pusa
Matamlay na Aso : Sintomas at Home remedy
2 thoughts on “Nakagat at nakalmot ng Aso o Pusa si Baby ano pwede gawin?”