January 27, 2025
Aso / Pusa

Libreng bakuna para sa kalmot at kagat ng Pusa at Aso

Marami sa mga pilipino ang nakakaranas ng kagat at kalmot ng mga alagang pusa at aso dahil sa likas sa atin ang pagmamahal sa mga pets. Pero minsan nakakalimutan nating ang mga alaga natin ay pwedeng maging carrier ng nakakamatay na rabies. Para sa mga aksidente na pangyayari kailangan handa tayo at kung walang pera sa bakuna may mga programa ang DOH at gobyerno ng Pilipinas.

Nakagat ka ba o nakalmot ng alaga mong aso o pusa gaya ko, o nalawayan ba ng aso o pusa ang sugat mo

Kailangan mo bang magpabakuna?

Saan ba pwede magpabakuna ng libre para sa anti rabies?

Yes, meron na pong libreng turok kapag nakagat po ng aso at pusa kaya basahin molang po hanggang dulo kasi may isheshare akong info about  dito.

Based on the latest experience ko sa pagpapaturok ng  anti rabies. Dapat ba magpaturok ng anti rabies kapag nakagat ng pusa o aso nakakallmot kahit maliit at kaunting gasgas lang ang sugat?

Ang sagot po ay yes. Hindi po dahil sa gusto lang po kumita ng mga doctor kundi dahil ang rabies ay wala pong gamot once na tumama na ito sayo.

Ang rabies po ay isang uri ng virus at ang bakuna po sa rabbies ay hindi po gamot ito po ay prevention. Para prevention lamang para if ever na may rabbies yung nakakagat sayo o nakakalmot sayo mapipigilan ng  bakuna ang pagdami ng virus.

At pag akyat nito sa utak natin ilan sa mga sintomas ng rabies ayon sa mga eksperto ay ang sumusunod.

-Pananakit ng ulo lagnat

-Parang tatrangkasuhin nagdedeliryo

-Paralysis ito na yung pinakamalala yung

-Pagiging paralyzed yung buong katawan hanggang sa wala ka ng maramdaman at ang kasunod nun mamamatay ka na namamanhid o nananakit ang parte na malapit sa kagat or yung mismong dun sa may kagat

-Pamumulikat pagkatakot sa hangin at tubig

Kaya for safety at peace of mind palaging inaadvise po ng mga health expert na magpabakuna.

Kapag nakagat o nakalmot ng alagang hayop regardless kung malaki o maliit o gasgas lang ang suga lalo na po kung ang  hayop na kumagat sayo, nakakalmot sayo ay walang bakuna.

Kahit pa ito ay malinis at alaga mo at wala ring bakuna laban sa rabies or matagal ka nang nabakunahan.

Pati ang alaga mo against rabies taon taon dapat pinababakunahan ang alagang aso at pusa para masiguro na hindi sila magkaka rabies. Lalo na kung hindi po ninyo alam kung kanino yung aso pusa or alagang hayop na nakakagat sa inyo.

In my case simula nang makawala sa hawla yung pusa ko nagtatago siya kapag dadalhin namin siya sa vet para paturukan pero pababakunahan namin siya uli very soon.

Number two kapag nagkaroon ng sugat o gasgas sa iyong balat kahit na super liit kailangang ipacheck sa pinakamalapit na animal bite center o hospital sa inyong lugar lalo na kapag ang sugat ay nasa mukha nasa ulo o malapit sa ulo.

Naka pajama po ako na nga makagat ako ng aking pusa so super liit lang ng sugat niya. So humapdi po ito medyo namula may maliit na tuldok na sugat at ang sabi sa animal bite center sa aming lugar ay kailangan akong turukan kahit na may bakuna na ako three years ago.

So basta daw nagkaroon ng punit or kahit maliit lang na na injury kailangan ng bakuna. Take note lang pag nakagat o nakalmot po ng pusa o aso huwag po ninyong dadalhin sa albularyo dahil hindi po yan ang sagot. Tapos hugasang mabuti po ng sabon at running water o tubig na tumutulo galing sa gripo ang sugat for five to ten minutes.

Marahan lang po itong hugasan para hindi naman masyadong mapisa yung sugat mo kahit kalmot lang po ay binabakunahan din ng anti rabies.

Again for safety at para makasiguro kasi minsan yung mga aso at pusa daw po natin may habit sila na dinidilaan nila yung kanilang unahang paayung mga post nila kaya anything na expose sa laway ng pets ay tinuturukan or tinuturing na risk factor of rabies.

Kailangan din obserbahan po yung hayop na nakakagat sayo sa loob ng fourteen days at kapag tumamlay po ito irereport po natin agad sa inyong barangay o local government unit.

Ang good news is libre na po ngayon ang bakuna sa mga alaga nating hayop at kapag nakagat tayo ng aso at pusa pag ang alaga mo ang ah pababakunahan sa city veterinarians office o sa agriculture office sa inyong lugar kayo pwede magtanong at sa mga nakagat naman ng aso at pusa nakalmot dahil nga po pinaigting po ng DOH at iba pang ahensya ng gobyerno ang kampanya kontra rabies libre po ang bakuna.

So four doses of anti rabies na bakuna kung hindi ka pa nababakunahan nito ever at booster shot kapag

kinagat ka ulit so tig kabilang balikat po ang babakunahan at kailangan po makumpleto po Ninyo itong bakuna. Tapos tuturukan ka rin ng anti tetanus. Kung wala ka pang anti tetanus na turok minsan kahit anong sakit. Kasi yung kuko at tsaka yung yung ngipin ng mga alaga nating hayop meron po silang bacteria or possible na merong tetanus.

So  kailangan tayong turukan ng anti tetanus. Kung hindi ka pa natuturukan ng anti tetanus  or hindi mo or kapag hindi mo matandaan kung kailan ka huling tinurukan ng anti tetanus.

Kung ikaw ay nasa Calabarzon area Quezon, Laguna,  Batangas, Cavite, Rizal base po dito sa mga nakasulat sa papel na ito galing sa animal bite treatment center dito sa amin pwede po kayong magtanong sa mga city health office Ninyo  or rural health unit sa inyong munisipyo o city hall o kapitolyo.

Tuwing lunes hanggang biyernes lang po ang clinic hours ng animal bite centers ng Local Government unit.

Kaya if malala ang kagat sa inyo at nagkataong sabado linggo o holiday kayo nakagat o nakalmot punta na agad po kayo sa pinakamalapit na ospital.

Tandaan dapat kumpletuhin ang apat na doses ng bakuna laban sa rabis para hindi po sayang ang bakuna sayo para masiguro na hindi ka magkaka rabis. Kasi ang rabis ay nakamamatay at hindi nagagamot kapag tumama na ito sayo.

Iba pang mga Babasahin

Ilang days bago malaman kung me Rabies ang Tao na nakagat ng Pusa

Bagong panganak na aso may rabies ba?

Lahat ba ng pusa ay may Rabies?

Kagat ng Aso na hindi dumugo, okay lang ba?

2 thoughts on “Libreng bakuna para sa kalmot at kagat ng Pusa at Aso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *