November 15, 2024

Mga pwedeng gamot sa Galis ng Pusa

Kung pet lover ka na kagaya natin, malamang nakaranas kana na makita ang mga alaga natin na magkaroon ng galis, kaya pag uusapan natin sa article na ito kung paano natin gamutin ang galis ng isang pusa.

Kung ikaw ba ay nakaranas na ng galis sa mga alaga niyong pusa at ikaw ba ay namomroblema kung paano pagalingin ang inyong pusa na may galis, ito na yung kasagutan.

I-sheshare natin sa article na ito kung paano mapagaling ang alagang pusa na may galis.

Pagisipan ang Dahilan ng Galis ng Pusa

Bago nagkaroon ng galis ang iyong pusa alamin muna natin kung ano yung root cause. Ito yung unang dapat na malaman natin bago ka mag papagamot ng isang pusa.

Habang bumibili ka ng gamot itatanong natin sa sarili natin, ano kaya ang rason bakit nagkaroon ng galis ang mga pusa ko.

Ire-rewind natin ire-recall natin kasi nung dumating ang mga pusa na meron ka sa ngayon ay wala namang galis. Tama ito diba? Kaya mapapaisip ka talaga kung bakit kaya. Bakit kaya nagkaroon ng galis ang alaga ko? Saan ako nagkulang?

Yan yung mga basic na itanong natin sa sarili. The fact na malinis at natsek mo na lagi naman nating pinapaliguan yung pusa mayroong pinagmulan ang kaniyang galis.

Saan nakukuha ng galis ang mga Pusa?

Base sa mga may experience usually nakukuha ng mga pusa yung galis sa pagkain. Kahalintulad ito ng food allegery sa pusa. Naisip mo ba na dati nang hindi ka nagbago ng pagkain ng cat food wala silang galis?

So meron ka minsan na nadiscover na isang pagkain na base sa review maganda daw siya kasi its very organic. So pwede na ma-encourage ka na bumili ng bumili ng ganitong klase at ipakain mo sa alagang pusa diba?

Try mo i-recall kung bakit nagkaroon ng galis. So simula nung nagchange ka ng pagkain saka lang nagkaroon ng galis ba ang mga pusa  mo?

Dahil yung sa cat food na kinakain ng alaga mo.

Kahit kilalang kilala siya at mataas ang presyo dahil nga sinabi na organic siya at healthy. Sa sobrang organic niya nagkaroon ng galis ang mga pusa mo o pwede nakadevelop ng allergy.

So ano yung pwedeng gamot kung naranasan niyo to. Kung sa lahat ng mga nakaranas ng ganito na bigla na lang nagkaroon ng paglalagas yung mga balahibo nila sa tainga, nag uumid ang mga tainga nila, dahil sa galis, natatanggal yung mga buhok nila at nagkaroon ng mga pagkalbo at mga langib dito sa mga bandang likod sa buntot niya ay nagkaroon ng pagkalbo nadin.

Ito yung pwede na  i-recommend sa inyo na na pwede niyong igamot, minsan mga mabibili na creams. Pero kasi minsan ang ang galis hindi siya nakukuha doon sa mga cream. Kung ang dahilan niya ay talagang sa kinakain. So kahit anong gawin mo, paliguan mo siya ng isang plangganang kung ano-ano dyan gaya ng madre de cacao hindi gagaling yan kasi ang root cross nga nya ay sa kanyang mga kinakain.

Nakakatulong naman ang mga organic na gamot sa pusa kagaya ng madre de cacao kapag hindi sa pagkain galing ang galis ng pusa.

Pero ang the best din talaga na ire-recommend ng mga beterinaryo ay BL cream. Kung ang cause talaga lang niya galing sa bacteria doon sa outside sa skin.

Sa ibang mga beterinaryo ay nagbibigay sila ng selamectin o di kaya naman ay Ivermectin.

Selamectin (Revolution) – Isang topical medication na inilalagay sa likod ng leeg ng pusa isang beses sa isang buwan. Mabisa ito laban sa mites at iba pang parasites.

Ivermectin – Maaaring gamitin bilang injectable o oral medication. Kumonsulta sa beterinaryo para sa tamang dosis.

Pero kung ang rootcause niya ay pagkain na allergy lang talaga ang alaga mo na pusa, kailangan itigil mo ang kinakain niya kung kailan nagumpisa na tubuan ng galis ang alaga mo na pusa.

Pwede mong gawin din ang mga sumusunod.

  1. Iwasan ang mga karaniwang allergen sa pagkain ng pusa tulad ng beef, dairy, chicken, fish, at grains.
  2. Bigyan ang pusa ng hypoallergenic diet na naglalaman ng novel proteins (mga protein na hindi pa natitikman ng pusa) at carbohydrates. Karaniwang inirerekomenda ng beterinaryo ang isang prescription diet.
  3. Obserbahan ang pusa sa loob ng 8-12 linggo habang nasa hypoallergenic diet upang makita kung mayroong pagbuti sa kanyang kondisyon.
  4. Matapos ang elimination phase, maaari muling ipakilala ang mga dating pagkain isa-isa upang malaman kung alin ang nagdudulot ng allergy.

Kapag nagawa mo na ang mga ito at hindi padin gumagaling ang alaga mo ang beterinaryo ay pwedeng mag prescribe ng gamutan na ganito naman.

Antihistamines -Maaaring magreseta ang beterinaryo ng antihistamines upang mabawasan ang pangangati.

Steroids -Sa mga malalang kaso, maaaring kailanganin ang paggamit ng steroids para sa mabilis na pag-alis ng sintomas, ngunit ito ay kadalasang para sa panandaliang paggamit lamang dahil sa mga posibleng side effects.

Listahan ng Vet clinic sa San Pedro Laguna

Pet Wonders Veterinary Clinic

Address: Km 30 National Highway, San Pedro, Laguna

Telepono: (02) 7950 7155

Pethouse Veterinary Clinic

Address: Maharlika Street, San Pedro, Laguna

JCL Animal Care Clinic

Address: Pacita Ave, San Pedro, Laguna

Telepono: 0968 731 2680

San Vicente Animal Clinic

Address: Unit 2, 102 San Vicente Rd, San Pedro, Laguna

Veternest Animal Clinic

Address: #24 6th St. Kaliwa Pacita, San Pedro, Laguna

Telepono: (02) 8479 285

Iba pang mga Babasahin

Matamlay na Aso : Sintomas at Home remedy

Ano ang Distemper sa Aso – Treatment

Mga dahilan ng Pagsusuka ng Aso -Home remedy na pwede gawin

Libreng bakuna para sa kalmot at kagat ng Pusa at Aso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *